Low Carb Cauliflower Lugaw

Ginadgad na cauli para magmukhang lugaw
1pc sibuyas
Small pcs bawang kayo na po bahala sa dami
Luya ginadgad ko din para magkalat yung kulay at bango ( well trip ko lang po)
Chicken breast or whatever part.
Patis or salt , pero mas may kulay ang patis. Dagdag lang yung asin pag kulang parin lasa.
Madaming paminta mas masarap
Kapiranggot na knorr chicken cubes as in kurot lang. Trip ko lang lagyan.

Itong luto ay parang luto din sa lugaw na normal

Gisahin ang bawang sibuyas luya at chicken.
Ilagay ang pampalasa, patis isang kutsara or two dipende s dami ng luto nyo. Tanchahan po ito frens. pati Knorr na piranggot lang, then lagay ang cauli, tas ihalo halo lang po. tas lagyan ng 1cup or dipende sa dami ng trip nyong tubig po tas pakuluan. Take note mabilis maluto cauli kaya wag naman hard hehe. then pag kulang lasa asin asin na lang idagdag. Then lastly spice it up with alot of paminta sobrang sarap kasi pag may spice hindi ka mauumay. .

Enjoy!

Leave a Reply

Your email address will not be published.